180 - Ikaw ang Batong Buhay

Ikaw ang batong buhay
Na sa aki'y nabuksan;
Ako'y isinanggalang
Sa demonyong kaaway;
Batis Kang sakdal inam,
Gamot naming may damdam.

Hanggang may tumitibok,
Hininga sa pag-irog,
Hindi ako tutugot,
Hanggang di Ka mabantog;
Ikaw ang nagpalubog
Sa angkan ng balakyot.

Iaalay kong lahat
Buhay ko hanggang wakas,
Kami'y pawang haharap
Sa hukuman Mong tapat;
At doo'y mahahayag
Ang tanang pagkahuba

0:00 0:00